Booking.com

Friday, October 2, 2009

Ang issue ko kay Ondoy…

Ayon sa PAG-ASA, si Bagyong Ondoy ay isang record breaker. Ang natatanging bagyong nakapagtala ng pinakamaraming buhos ng ulan na huli pang naramdaman taong 1967. Anong atin dun? E siya lang naman ang namumukod tanging nakapagpalubog sa maraming syudad sa Maynila at ang nakapagpadeklara kay PGMA na ilagay sa under “State of Calamity” ang buong Luzon at kalaunan ang buong Pilipinas.

Luckily, wala naman akong matinding experience kay Ondoy. I was home with my family sa Laguna except sa brother ko who at that time is staying at his dorm in Manila. He txted my mom in the morning, telling na pinasok siya ng tubig sa room niya.
Frankly akala ko hindi naman grabe, walang dapat alalahanin. Nawala yung cable nung mga hapong yun. Habang busy busyhan ang mga kapatid ko sa pagpapakain ng kung anung anik anik sa Facebook, me and my sister threw ourselves watching another Korean series. During that night my aunt (a nun) from Mindanao texted, asking if we are okay. I replied, “Yes auntie, ok naman po kami”. Followed by a call from another aunt (also from Mindanao). Her voice sounded so concerned, her first few words, “May, ok ba kayo diyan?”. I was a bit confused, I thought why what’s wrong? And she explained telling that Manila is under water na! Her close friend sa Marikina, si Tita Violy was already at the evacuation area, my cousin from Makati inabot na rin yung first floor, my uncle from Novaliches hindi ma-contact etc etc. I went to my parents bedroom sounding so alarmed as I was talking to my aunt, constantly uttering the words “Oh my God”, medyo ninerbyos sakin si daddy (sorry dad!) then nag-usap na si mommy at auntie. I immediately turned off the dvd player and turned on the tv, wanting to catch the news kahit medyo masakit sa mata at GMA lang ang may signal. That’s when we all saw the happenings in the metro…the Christine Reyes scenario was really miserable, medyo nakakapangilabot. I txted my friend Isa from ABS and checked on her, I also texted my brother, cousins, friends and uncles living at the NCR region.

I didn’t get much sleep. The next morning, I was able to contact my brother who was able to evacuate at the 2nd floor of his dorm in Pope Pius Manila, staying at the room of our younger brother. Medyo maputik daw yung kwarto niya at madaming nabasang gamit, pati mga previous drawings niya. Good thing he was able to save his thesis project. We continued to get updates from radio news and the internet, good thing may kuryente kami sa Laguna. It was this day din that Ate Lerma and her daughter dropped by to mention that they can’t do the laundry at natangay ang kalahati ng bahay nila. I saw the sadness as she narrates to us what happened to her and her neighbors who were living near the creek. Yung iba talagang nawalan ng bahay. Of course we offered some help – food, clothes, medicines and money. It was this day din that I found out who among my friends were affected too. Most lost everything they have.

It is at this time, that I really feel grateful, thanking God every minute for sparing our house and my family from a horrible experience. We were at the right place at the right time. And for that we feel that we should share the blessings. Nakakatuwa ring isiping at this time of darkness that many hearts glow.

Ano nga ba ang maaaring matutunan nating mga Pilipino sa panahong to? Obviously, pinapaalalahanan lang tayo na hindi lang naman tayong tao ang may karapatang mabuhay sa mundong ito, matuto tayong rumispeto sa ating kalikasan. Ang basurang itinapon ay babalik din satin, naipakita at naiparamdam na sa tin to. 3Rs lang na ipractice ng bawat isa malaking pagbabago na – 3RS (Reduce, Reuse, Recycle) It’s high time to befriend our Junk Shop neighbors. Hay, pag di pa tayo natuto, ewan ko na lang. Pakinggan din natin ang suggestions ng mga magagaling nating architects. Kudos to Palafox, matagal na pala niyang binalaan ang gobyerno sa drainage problem at matinding pagbaha diyan sa Marikina area, ewan ko ba at di pinakinggan, kailangan pa ata ng sample ng gobyerno e, sample pala ha!

Hindi kasalanan ni Ondoy ang nangyari sa bansa natin. It was the constant human error resulting to climate change which resulted to a natural calamity. Nakakalugmok mang isipin, tayo rin ang may kasalanan. Nagpabaya tayo at hindi nag-ingat. Hindi lang gobyerno ang may magagawa…lahat tayo damay damay dito, bata man o matanda, lalake man o babae, banyaga man o Pilipino. Isa itong napakalaking leksyon.

On the financial side, tinuturo rin satin na dapat laging handa…to discipline ourselves to set aside at least 3mos worth of emergency fund, SOP na dapat yun. And to get ourselves some insurance, it’s like buying a peace of mind. At please lang, wag itago sa ilalim ng mga baul o anong kawayan ang mga pera, ilagay sa bangko yan! Sa mga kapos kong kababayan, wag nating hayaang manatili tayong mahirap - isinilang na mahirap, mamamatay ding mahirap…wag naman sana. Wag din nating iasa ang lahat sa gobyerno at maging mapamaraan. Sa panahong ito, hindi lang sipag at tiyaga ang kailangan natin, dahil kung yun lang matagal ng mayaman ang mga kargador sa pier. Maglaan po tayo ng panahon to achieve financial intelligence, at hindi po ito natututunan sa school. Maging bukas ang ating mga mata sa mga oportunidad. And to those who already have the wealth and power, I ask you this, “What can you do to help uplift the lives of our kababayans? It is in this trying time that we can either fail or fly.

Today is Saturday, medyo kinakabahan ako kahapon as Typhoon Pepeng is predicted to wreak havoc again in our country…kaya nagtaka ako when I woke up, a wonderful sunny morning greeted me. Asan ang bagyo? I guess prayers can really bring miracles.

It is at the times of greatest blindness that we are moved by our faith. This is also an opportunity to start anew, and this time, we should do better and do it right.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Share

Widgets