Ayon sa PAG-ASA, si Bagyong Ondoy ay isang record breaker. Ang natatanging bagyong nakapagtala ng pinakamaraming buhos ng ulan na huli pang naramdaman taong 1967. Anong atin dun? E siya lang naman ang namumukod tanging nakapagpalubog sa maraming syudad sa Maynila at ang nakapagpadeklara kay PGMA na ilagay sa under “State of Calamity” ang buong Luzon at kalaunan ang buong Pilipinas. Luckily, wala naman akong matinding experience kay Ondoy. I was home with my family sa Laguna except sa brother ko who at that time is staying at his dorm in Manila. He txted my mom in the morning, telling na pinasok siya ng tubig sa room niya.