Childhood Memories
"When you finally go back to your old hometown, you find it wasn't the old home you missed but your childhood."
TOP 10 Childhood Memories
1. Picnic sa Manila Bay
2. Weekend jogging sa Greenhills (kasama pa sina Tito Kulas, Tita Nelly o kung sino mang anak nila...tapos breakfast sa Dunkin' Donuts!)
3. Eating out sa Jollibee after every mass at laro sa Manuela (Starmall na ngayon).
4. Lead the rosary prayer every 6pm everyday sa aming chapel (grabe ako sa pagka religious nung bata...di pa kasama ang rosary namin ni mommy bago matulog! san ka pa...)
5. Ang mga nintendo games namin nina Therese at Alex tuwing umaga ng Saturday at Sunday (favorite ko laruin ang Mario!)
6. Mga madalas laruin nung bata (less than 10 years old sa San Juan) - Barbie (pa-girl!), Tansan at kung ano anong balat ng kendi na pinapang trade (i know, yuckness!), patintero, skateboard (oh, sosyal!), taguan, Teacher-teacheran at Office-offisan (ako ang may pinakamagandang table nun!), langit-lupa etc.
7. Baha sa San Juan! (buti may 2nd flr kami nun...madalas pasukin ang bahay, pero super happy ako tuwing nagbabaha...ewan ko kung bakit, dahil siguro walang pasok!haha!)
8. Ako taga-gising sa mga kasama sa bahay para magluto at maghanda tuwing umaga. Deadma sakin alarm clock...automatic gising ako by 5am...(bababa pa ko ng stairs just to check kung 5am na nga, pag hindi...balik sa tulog - nasa kinder pa lang ako nun ha!)
9. Mga away, gulo, batuhan, barilan sa street namin tuwing may campaign elections o basketball tournament (naku buti nalang nakalipat kami ng bahay)
10. Nung nahuli ko si daddy na nag Hohoho! nung Christmas...Nakita kong may laman ang medyas ko sa Christmas tree at bukas ang ilaw sa kwarto nila mommy! Ayun buking na si daddy, ayaw pa din umamin!